Ligtas nang nakabalik sa Pilipinas ang 34 overseas Filipino workers (OFWs) mula Riyadh, Saudi Arabia, noong Oktubre 19, 2026,pagdating sa bansa, agad silang nakatanggap ng iba’t ibang tulong mula sa Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob sa mga umuwi ang tulong pinansyal, transportasyon, pansamantalang matutuluyan, serbisyong medikal, at psychosocial support upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan matapos ang repatriation.
Ayon kay Secretary Hanz Leo Cacdac, patuloy na inuuna ng pamahalaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa harap ng tensiyon sa Middle East.
Bukod sa pagtiyak sa kanilang ligtas na pag-uwi, layunin din ng mga programa ng DMW at OWWA na mabigyan ang mga repatriated OFW ng agarang suporta at gabay upang mapagaan ang kanilang muling pagbabalik sa Pilipinas.














