-- Advertisements --

Apat na indibidwal, kabilang ang dalawang Regional level most wanted persons (MWPs) ng Police Regional Office 12, ang naaresto sa isang operasyon ng Philippine National Police (PNP) sa Lebak, Sultan Kudarat, noong Nobyembre 8, 2026.

Ang dalawang wanted person, ay inaresto sa bisa ng mga warrant of arrest para sa kasong murder na inilabas ng Regional Trial Court sa Isulan, Sultan Kudarat. Ang dalawa pa ay inaresto dahil sa umano’y paggamit ng ilegal na droga at ilegal na pag-iingat ng baril.

Sa isinagawang operasyon nasabat ang isang granada, dalawang improvised firearms, at dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 118.41 gramo at tinatayang halagang aabot sa mahigit P800 milyong piso.

Narekober din ang limang disposable lighter, isang aluminum foil, dalawang sling bag, at isang National ID.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Lebak Municipal Police Station ang mga naarestong indibidwal at mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.