-- Advertisements --
Inaresto ng mga sundalo ng Israel ang nasa 50 na mgaPalestino sa West Bank.
Isinagawa ang military crackdown sa West Bank matapos ang naganap na pag-atake na ikinasawi ng apat na Palestino at dalawang sundalo ng Israel.
Karamihan sa mga naarestong Palestino ay mula sa bayan ng Tal sa southwest Nablus kung saan naganap ang pamamaril.
Pinasok ng mga sundalo ng Israel ang halos 70 na kabahayan ng Palestino.
Magugunitang ipinag-utos ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at Defense Minister nito na si Israel Katz ang malawakang military operations sa West Bank matapos ang pag-atake malapit sa Havat Gilad settlement na ikinasawi ng dalawang sundalo ng Israel at ikinasugat ng tatlong iba pa.















