-- Advertisements --

Arestado ang dalawang lalaki matapos ang umanoy tangkang pagpasok at trespass sa bahay nina Prince at Princess of Wales sa Sandringham.

Nakatanggap ang tawag ang mga kapulisan ng Norfolk kung saan mayroong kahinahinalang katao sa bahagi ng Anmer Hall.

Nagpakalat agad ang mga kapulisan ng aso, drones at helicopters para suyurin ang lugar kung saan naaresto nila ang dalawang suspek.

Walang katao-katao sa lugar noong mangyari ang insidente.

Hindi naman naninirahan sa Anmer Hall sina William at Catherine dahil ginagamit lamang nila ito bilang country retreat house tuwing holidays.

Ang nasabing Anmer Hall ay country retreat na mayroong 10 kuwarto ay regalo sa mag-asawa ng namayapang si Queen Elizabeth II sa kanilang kasal noong 2011.