-- Advertisements --

Kinondina ng Muslim World League (MWL) ang ginawang airstrike ng Israel sa Nasser Medical Complex sa Gaza.

Sa nasabing strikes ay nagresulta sa pagkakasawi ng anim na katao kabilang ang mga doktor.

Ikinasugat din ng ilang katao ang nasabing airstrikes
.
Sa inilabas na pahayag ng MWL,na kanilang mariing kinondina ang pagtarget ng Israel sa tents at ang paghigpit sa pagpasok ng mga humanitarian aid.

Sinabi ni Mohammed bin Abdulkarim Al-Issa ang General Secretariat ng MWL, na hindi katanggap-tanggap at marapat na kondinahin ang paglabag na ginawa ng Israel.