Tiniyak ni Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. na ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya upang palakasin ang depensa ng bansa sa kabila ng limitasyon sa pondo.
Sa pagtalakay sa paghahanda ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa territorial defense, iniulat ni Teodoro ang 100 porsiyentong accomplishment ng militar, ngunit iginiit na hindi ito kayang mapanatili sa pangmatagalan kung walang sapat na reserbang kagamitan at suplay para sa patuloy na operasyon.
Binigyang-diin ng kalihim na kailangang iayon ang mga operasyong militar sa kakayahan at mapagkukunan ng bansa upang matiyak na mananatiling handa ang AFP na ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas.
Dagdag pa niya, mahalagang mapanatili ang sapat na reserba upang masuportahan ang mga operasyon at hindi malagay sa alanganin ang pangmatagalang kakayahan ng militar na gampanan ang tungkulin nito.














