-- Advertisements --

Nagtala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng pinakamaraming bilang na mga namonitor na barko ng China sa West Philippine Sea.

Ayon sa AFP na base sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) na mayroong 56 na mga China Coast Guard at People’s Liberation Army Navy (PLA-N) vessels nitong nagdaang buwan ng Agosto.

Ito na ang pinakamaraming bilang na naitala sa Bajo de Masinloc na mayroong 23 na mga Chinese vessels kabilang ang 14 na mga CCG at siyam na PLA-N ships.

Sinundan ito ng 18 barko sa Ayungin Shoal habang sa Escoda Shoal ay mayroon silang namonitor na siyam na sasakyang pandagat ng China.

Sinabi naman ni AFP spokesperson for the West Philippine Sea na si Retired Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, na nakatuon ang kanilang buwanang pagmomonitor para maiparating sa publiko na patuloy ang iligal na presensya ng mga sasakyang pandagat ng China.