-- Advertisements --
Ibinabala ng International Committee of the Red Cross (ICRC) na umabot na sa limits ang health system ng Yemen.
Ito ay dahil sa dumaraming nasusugatan na dinadala sa pagamutan bunsod ng patuloy na labanan.
Sinabi ni Feras Abusamraang health coordinator, na nagkukulang na ng mga surgical materials, anaesthesia, oxygen at mga gamot.
Ikinakabahala nila na dahil sa patuloy na pag-atake ng Houthi rebels ay tiyak ang pagdami ng mga biktima.
Nagdala na rin ang grupo ng 500 na tonelada ng gamot dahil sa pagsiklab ng kaguluhan.














