-- Advertisements --

Napatay ng Israel sa isinagawa nilang airstrikes ang internal security ng Hamas.

Aabot sa pitong mga Palestino ang nasawi sa airstrikes na isinagawa ng Israel sa Gaza Strip.

Si Naeem Abu Nahel, ang namumuno ng internal security service ng Hamas ay siyang target ng operasyon ng Israel sa Western Gaza City.

Mula pa kasi noong Setyembre ay nasa posisyon na ang nasabing Hamas opisyal.

Sabay na inanunsiyo nina Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at Defence Minister Israel Katz ang pagkasawi ni Abu Nahel.

Kasamang nasawi ang binatilyo at maging ang ilang miyembro ng Hamas.

Maraming katao rin ang naiulat na sugatan sa nasabing insidente.