Mariing pinuna ng United Nations (UN) mula kay UN Secretary-General Antonio Guterres ang pagpataw ng United States ng mga sanction laban sa International Criminal Court (ICC).
Kasunod ito ng mosyon ni US President Donald Trump, kabilang si US Secretary of State Marcio Rubio, na pagpapataw ng mga sanction sa Korte sa bantang pababagsakin nito ang ICC.
Kaugnay nito, naalarma si UN chief Guterres at sinabing malaking dagok ang nasabing desisyon ng US sa pagkamit ng hustisya sa internasyunal na antas na aniya’y pangunahing gampanin ng ICC.
Nakiisa rin ang ilang mga bansa, maging ang mga kaalyado ng US, na nagkaisang ipahayag ang kanilang pagkundena sa mosyon nito, tulad ng UK, Denmark, Germany, France, Canada, Japan, Italy, at Netherlands.
Samantala, malugod namang tinanggap ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu ang mga ipinataw na sanction ng US laban sa ICC, kung saan sinabi rin nitong hindi ito isang ganap na korte.
Ayon naman sa ilang mga eksperto ng UN, tumbas ang ginawa ng US sa pagyurak ng karapatan ng mga biktima na umaasa sa ICC para makamit ang hustisya at pananagutan mula sa krimen na kanilang naranasan.
















