Ibinebenta sa auction ang “revenge dress” ng namayapang si Princess Diana.
Isinuot ni Princess of Wales ang itim na strapless silk evening dress sa dinaluhan nitong party sa London.
Sa nasabing pagkakataon ay umamin ang kaniyang dating asawa na si Prince Charles na mayroon itong ibang babae habang sila ay kasal.
Itinuturing na isang iconic pop-culture moment ang pagdating ni Princess Diana sa Serpentine Gallery noong 1994.
Ayon sa Sotheby auction house na ang damit ay maaring mabili ng hanggang $300,000 o mahigit P18-milyon.
Maaring tumaas pa ang presyo nito kapag magsimula na ang auction sa darating na Disyembre 9.
Ito ang unang pagkakataon na ito ay mai-auction noong 1997 ng ibinenta ni Princess Diana ang kaniyang 79 na mga damit ilang buwan bago ito nasawi para makalikom ng pera sa charities.
















