-- Advertisements --
Labis na ikinabahala ni Meghan Markle ang napaulat na mayroong kinakaharap na kasong child abuse sa Pilipinas ang ama nitong si Thomas.
Ayon Meghan na wala nitong anumang komunikasyon sa ama mula ng lumabas ang ilang mga alegasyon.
Mariing itinanggi rin ni Thomas ang nasabing mga alegasyon.
Noong 2018 din kasi ay sumulat si Meghan sa Metropolitan Police ng London at sa Royalty and Specialist Protection dahil sa parehas na akusasyon.
Pagtitiyak din ng mga otoridad sa kaniya na kanila itong iimbestigahan.
Si Thomas Markle na kasalukuyang nasa rehab center sa Florida ay nagsabing na pawang mga kasinungalingan ang nasabing alegasyon.
Si Meghan ay asawa ni Prince Harry kung saan ikinasal ang dalawa noong 2018.















