-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang pahayag ng isang cyber-crime group na kanilang nakuha ang ilang sensitibong impormasyon ng lahat ng nilang staff.

Ayon sa Shiny Hunters isang cyber crime group, nasa 38,000 na mga staff ng FBI ang kanilang nakuhanan.

Ilan sa mga sensitibong impormasyon ay kinabibilangan ng mga pangalan, badge number, tirahan,phone numbers at maging pangalan ng asawa.

Sa pahayag naman ng FBI na alam nila ang nasabing impormasyon at kanilang aktibo na itong iniimbestigahan.

Lumabas ang impormasyon matapos na ibinahagi ng grupo sa ilang mamamahayag ang kaunting ng mga impormasyon.