-- Advertisements --

Hinatulang makulong ng 10 taon at anim na buwan ang British comedian at aktor na si Russel Brand.

Ito ay matapos na madiin siya sa panggagahasa ng isang fan at sexual assault sa tatlong babae.

Bago basahin ang hatol ay sinabi ni Judge Joel Bennathan, na ang 51-anyos na aktor ay naing “sexual predator” abang ito ay sumisikat ng halos dalawang dekada.

Dagdag pa ng judge na kahit katawa-tawa at nakakaakit sa mata ng mga fans ay naging sexual predator ito.

Walang nakitang anumang pagsisisi o emosyon na nadarama ang aktor habang binabasa ang kaniyang hatol.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay nadiin ang aktor sa korte sa London dahil sa panggagahasa ng 21-anyos na babae noong 2009 at sexual assault sa tatlong babae noong ito ay sumisikat sa taong 2000.