-- Advertisements --
Maaring pumanaw na ang lahat ng mga sakay ng isang medical transport aircraft matapos na ito ay biglang nawala.
Ang nasabing eroplano ay mula sa Bermuda patungong Boston.
Ayon sa United States Coast Guard na kanilang tinapos na ang kanilang search and rescue sa karagatang bahagi ng Nantucket, na isang isla sa Massachusetts.
Nangyari ang insidente nitong Sabado kung saan nawalan ng contact ang Federal Aviation Administration sa Gulfstream G-100 plane.
Nakakita ang mga otoridad ng debris na pinaniniwalaan nilang galing umano sa nasabing eroplano.
Lulan ng eroplano ang apat na Canadian nationals at dalawang Bermudian nationals.
Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagbagsak ng eroplano.
















