-- Advertisements --

Ibinunyag ng United Kingdom na tinatarget sila ngayon ng Iran.

Ayon kay MI5 Director General Ken McCallum , na mayroon silang mga nakuhang impormasyon na plano ng Iran na maglunsad ng pag-atake sa kanilang military sites.

Isang inihalimbawa nito ang tangkang pag-atake sa kanilang Royal Air Force noong nakaraang buwan.

Dagdag pa nito na hindi lamang sa UK ang target ng Iran maging sa ibang bahagi ng mundo.

Pagtitiyak naman nito na mayroon silang mahigpit na ugnayan sa ibang bansa para labanan ang banta ng pag-atake ng Iran.