Masayang ibinahagi ng Canadian singer na si Avril Lavigne ang isang malaking balita sa kanyang buhay matapos niyang isilang ang kanyang unang anak na isang baby girl.
Ibinahagi ng 42-anyos na mang-aawit ang balita sa Instagram, kalakip ang mga larawan kung saan karga niya ang kanyang anak.
“Our mini f–king princess has arrived,” ani Lavigne sa kanyang caption.
Bago ang pagdating ng kanyang unang baby, dalawang beses nang ikinasal si Lavigne. Una siyang ikinasal kay Deryck Whibley, vocalist ng rock band na Sum 41, noong 2006. Nagtapos ang kanilang pagsasama noong 2009 matapos ang tatlong taon ng kasal, ngunit nanatili silang maayos sa kabila ng kanilang paghihiwalay.
Kalaunan, ikinasal din siya kay Chad Kroeger, frontman ng bandang Nickelback.
Kilala si Lavigne sa mga hit songs na Complicated, Sk8er Boi at Girlfriend.











