Nagbitiw na bilang drummer ng bandang Duran Duran si Roger Taylor.
Sinabi nito na nagkakaroon ito ng paghihina ng kaniyang tinnitus o pandinig.
Pinayuhan din ito ng kaniyang doktor na huwag munang tumugtog ng drum.
Sa anunsiyio sa social media ng banda, sinabi nilang isa ito sa pinakamalungkot na pangyayari.
Dagdag naman ni Taylor na ang pagtugtog ng drum sa banda ay kaniyang kaligayahan.
Pinasalamatan nito ang mga fans ng banda at sinabing ipagpatuloy lamang ang pagsuporta sa kanila.
Binuo ng kanilang keyboardist na si Nick Rhodes at bass player na si John Taylor ang banda noong 1978 kasama si Roger Taylro na hindi naman nito kamag-anak.
Sa sumunod na taon ay kanilang kinuha ang gitaristang si Andy Taylor at singer na si Simon Le Bon.
Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “A View To a Kill” , “Hungry Like the Wolf”, “The Reflex” at maraming iba pa.









