-- Advertisements --
Binatikos ni US President Donald Trump ang hakbang ng United Kingdom matapos na pakawalan nila ang limang suspeks na nagtangka ng pag-atake sa US base nila doon.
Ayon kay Trump na dapat ay hindi pinakawalan ng UK ang mga suspek dahil maaaring ang kanilang mga galaw ay konektado sa Iran.
Paglilinaw naman ng British police na ang pagpapakawala sa mga suspek ay nangangahulugan na tapos na ang kaso dahil kanilang babantayan ang galaw ng mga nito.
Ang mga suspek na hindi na pinangalanan ay naaresto malapit sa Fairford base sa western England kung saan nakabase ang US B-1 bombers na nagsasagawang misyon sa Iran.
Ang mga naaresto ay pawang mga British natioanls mula sa London na may edad 23 hanggang 25.
















