-- Advertisements --

Muling nakagawa ng kasaysayan ang Filipino folk-pop band na Ben&Ben.

Makakasama nila kasi sa bagong kanta nila ang iconic British pop group na Take That.

Kasama ang banda kasi sa ika-sampung studio album ng Take That na may pamagat na “Dreamers”.

Mapapakinggan ang kantang “Glow” na collab ng Ben&Ben at Take That.

Nakatakdang ilabas ang album sa darating na Nobyembre 20.

Nakasamana ng singer ng Ben&Ben na sina Paolo at Miguel Benjamin Guico ang British group sa legendary London Palladium.

Inilarawan naman ni Take That member Gary Barlow ang collaboration bilang modern musical partnership.