-- Advertisements --

Aabot na sa halos 1,000 ng mga protesters ang inaresto at ikinulong ng mga otoridad.

Sinabi ni French Interior Minister Laurent Nuñez, na naging marahas na ang karamihang mga protesters kaya sila inaresto ng mga kapulisan.

Ang nasabing bilang ay mas marami kumpara noong nakaraang linggo na mayroon lamang na 385.

Ang mga naaresto ay pawang mga nasa likod ng pagnanakaw sa mga establishimento.

Wala naman itong nakitang mga tinarget na mga public buildings gay ang mga town halls at police stations.

Sa Paris lamang aniya ay napilitang gumamit ang mga otoridad ng water cannons para itaboy ang mga protesters.

Naglunsad ng kilos protesta ang mga katao dahil sa lumalalang pagbagsak ng ekonomiya at ang paghina ng kalidad ng edukasyon.