Naibenta sa auction ang isang kakaibang fossils ng Nanotyrannus sa halagang $47.3 milyon.
Ayon sa Sotheby’s auction sa New York na tumagal lamang ng 12 minuto ang bidding.
Ang nasaibng specimen na tinawag nilang si Jodi ay isa sa tatlong magkakaparehas na Nanotyrannus skeletons .
Mula kasi ng ianunsiyo ang pagbubukas ng bidding ay inaasahan nilang mabibili lamng ito ng hanggang $9-M.
Mayroon taas ito ng 9.6 na talampakan at haba na 19.6 talampakan mayroon kabuuang 191 na buto ang nasabing specimen.
Nadiskubre ang skeleton noong 2019 ng Montana rancher na si Jodi Pierson.
Galing ito sa Hell Creek Formation isang geological boneyard sa kahabaan ng Montana, Wyoming at Dakota.
Makikita naman ang isang Nanotyrannus skeleton na si Jane na mula din sa Hell Creek at ito ay makikita sa Burpee Museum of Natural History sa Rockford, Illinois.













