-- Advertisements --

Nakatakdang ipasubasta ng singer na si Billy Joel ang kaniyang mga vintage na motorsiklo.

Ayon sa Gooding Christie’s at Rétromobile New York Auctions na aabot sa 70 na mga vintage na personal na pag-aari ng singer ang ipapasubasta.

Gaganapin ang nasabing pagsubasta sa darating na Nobyembre 20 at 21 sa Javits Center sa New York City.

Bago ang nasabing auctions ay idi-display muna ang ilang mga motorsiklo ng singer sa Christie’s Rockefeller Center mula Oktubre 8 hanggang 12.

Ilang dekada na nagkokolekta ang singer ng mga vintage bikes.

Sa loob ng 15 taon ay binuksan niya ang 20th Century Cycles sa Long Island ang shop na nagrere-store at nag-aayos ng mga motorsiklo.

Ang kita sa auction ay mapupunta sa foundatin ni Joel na nagsusuporta sa mga musicians.