-- Advertisements --
Naibenta sa halagang $5 milyon ang bracelet na may malaking sapphire.
Ang nasabing alahas ay bahagi ng Imperial Russian crown na unang estimated na maibebenta ito sa halagang $2.5-M.
Hugis cushion ang 197.80-carat na Romanov sapphire at ito ay nakalagay sa bracelet na gawa ng sikat na jeweler na Cartier.
Ayon sa Sotheby auctions, na ito ay kakaibang bahagi kasaysayan na galing sa koleksyon ng pamilya Romanov.
Ang Romanov ay mga huling Russian monarch na nagtapos ang kanilang panunungkulan noong 1917 noong tinanggalan sa kaniyang trono si Czar Nicholas II.
Mula noon ay ibinenta ng Soviets ang mga alahas ng Romanov sa socialite na si Ganna Walska noong 1927.
















