-- Advertisements --

Nakatakdang ibenta sa auction ang gold pocket watch na narekober mula sa katawan ng isang pinakamayamang pasahero ng lumubog na Titanic.

Ang relo ay pag-aari ni Isidor Straus kung saan kasama niya ang asawang si Ida sa mahigit 1,500 na katao na nasawi ng lumubog ang barko mula sa Southampton patungong New York noong Abril 12, 1912.

Narekober ang kaniyang katawan mula sa Atlantic ilang araw matapos ang aksidente kung saan nakuha sa kaniya ang 18 carat gold Jules Jurgensen pocket watch.

Ayon kay Auctioneer Andrew Aldridge na magsisimula ang auction sa Nobyembre 22 kung saan inaasahan na mabibili ito ng mahigit P76 milyon.

Si Strauss ay isang Bavarian-born American na negosyante na co-owner ng Macy’s Department store sa New York.

Pinaniniwalaan na regalo ito ng kaniyang asawa noong 1886 na may naka-engraved na Straus initials.

Naibalik ito sa kaniyang pamilya hanggang naipasa sa mga henerasyon bago ipinaayos ni Kenneth Hollister Struss, ang great-grandson ni Isidor.

Kasama nitong i-auction ang sulat ni Ida habang nakasakay sila Titanic na binabanggit ang halaga ng relo.