TENNESSEE – Labis ang pangamba at paghahanda ng ilang mga Pinoy sa Tennessee dahil sa nararanasang winter storm sa kanilang estado at sa iba’t ibang bahagi ng Estados Unidos.
Sa estado ng Tennessee pa lamang, umabot na sa 14 ang bilang ng nasawi dahil sa winter storm na pinangalanang Fern.
Kabilang sa mga estadong idineklarang nasa ilalim ng state of emergency ang New York, Missouri, Tennessee, Virginia, Maryland, at Pennsylvania. Kasama rin ang Washington D.C., Texas, Louisiana, Mississippi, Alabama, Georgia, South Carolina, Michigan, North Carolina, at Philadelphia. Tinatayang mahigit isang daan na ang naiulat na nasawi sa buong bansa.
Sa panayam ng 102.7 Star FM Manila kay Art Chicano, isang taon nang Supermarket Supervisor sa Tennessee, ibinahagi niya ang kanyang karanasan at mga naging paghahanda sa matinding winter storm.
Ayon sa ulat ng mga meteorologist, maaari pang tumagal ang winter storm sa Estados Unidos hanggang sa unang mga araw ng Pebrero, na posibleng magresulta sa dalawampung pulgadang kapal ng niyebe.















