-- Advertisements --

Pasok na sa ikatlong round ng US Open si Pinay tennis star Alex Eala.

Ito ay matapos na talunin si Oleksandra Oliynykova ng Ukraine sa score na 6-1, 6-4.

Sa unang set pa lamang ay dominado na ng seeded 17 ng torneo na si Eala sa laban nila na ginanap sa Louis Armstrong Stadium.

Pagpasok ng ikalawang set ay bahagyang nakahabol si Oliynykova subalit hindi hinayaan ni Eala na umabot pa ng ikatlong set kaya tinapos na nito ang laro.

Ang nasabing resulta ay tila pagganti ni Eala sa Ukrainian tennis player na unang nakatalo sa kaniya noong Mayo sa Strasbourg tournament.

Ito rin ang unang pagkakataon na nakapasok sa ikatlong round ng US Open dahil noong nakaraang taon ay hanggang ikalawang round.

Susunod na makakaharap nito ay ang sinumang mananalo sa pagitan nina Francesca Jones ng United Kingdom at Iva Jovic ng US.