-- Advertisements --
Makakaharap ni Pinay tennis star Alex Eala sa 2026 Ningbo Open si Diane Parry ng France sa unang round.
Inanunsiyo ito ng organizer ang nasabing matchups kung saan magsisimula ang main draw sa Lunes.
Ito ang unang pagkakataon na makakaharap ni Eala si Parry sa WTA.
Sabay din ang dalawa na nakamit ang WTA titles ngayong taon.
Nagwagi si Eala sa DC Open habang si Parry ay nagwagi sa Monterrey noong North American swing bago ang 2026 US Open.














