-- Advertisements --
Napatay ng mga otoridad ang sub-leader ng Dawlah Islamiya at tatlo pa nitong kasamahan sa naganap sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.
Naka-engkuwentro ng pinag-sanib na puwersa ng kapulisan at kasundaluhan ang grupo ni Yusa Ganoy o kilala bilang si “Minimi” , “Commander Usa” at “Yousa Ganoy”.
Nakalista si Ganoy bilang Priority Sanction Target No. 11 at pang-apat na most wanterd person sa provincial level sa Maguindanao del Sur.
Siya ang sub-leader ng Dawlah Islamiya Hassan Group sa ilalim ng Alpha King Faction kung saan itinuturing ng mga otoridad na nasa likod ng pag-bomba, pagpatay at panununog sa Maguindanao del Sur at ang kalapit na Sultan Kudarat.













