Ibinahagi ni former world No. 4 Greg Rusedski na hindi ito nababahala sa mga nakaraang performance ni Filipina tennis star and world no. 19 Alex Eala sa mga nagdaang palaro nito.
Nito lamang, nabigla ng Filipina pride ang fans nang maaga itong mamaalam sa kaniyang kampanya sa Wuhan Open sa China matapos itong matalo kay home bet at world no. 217 Han Shi.
Bago nito, bigo rin si Eala sa kaniyang kampanya sa Singapore Tennis Open matapos matalo sa pambato ng Russia at world no. 180 na si Tatiana Prozorova.
Kapos ding masungkit ni Eala ang inaasam nitong ginto sa nagdaang Asian Games sa Japan matapos mauwi ang bronze mula sa kaniyang semifinal match laban kay Wang Xiyu ng China.
“It’s not surprising that this dip has happened,” wika ng former world no. 4 sa kaniyang Off Court podcast.
Dagdag din ni Rusedski na tumaas ang demand kay Eala matapos ang matagumpay nitong Wimbledon at US Open at nalahok sa sari-saring ganap sa labas ng kaniyang tennis career.
Ngunit kampante namang saad ng 1997 US Open finalist na makakabawi ang Filipina star at makakaani ng positibong resulta sa hinaharap. Naniniwala rin si Rusedski na dapat mapabilang si Eala sa mga seeded player ng Australian Open na magaganap sa pagbungad ng 2027.
Kamakailan lamang, ibinahagi rin ni Rusedski ang pagiging bukas nito sa pag-coach kay Eala sa pagtatapos ng kaniyang season.
“I’d love to have a crack at it. I don’t know if I’d ever be invited to do so,” saad ni Rusedski na kilala sa kaniyang makapangyarihang serve.
Kaugnay ito ng pag-amin ni Eala na hindi pa aniya kagalingan ang pag-serve nito sa kaniyang mga match, kabilang ang sa kaniyang Wimbledon game laban kay Italian bet Jasmine Paolini.














