Susubukan ni Pinay tennis star Alex Eala na mabawi ang mga bigong pagkatalo sa mga nagdaang torneo.
Ito ay dahil sa nakatakda itong sumabak sa Ningho Open sa China sa susunod na linggo.
Sa tatlong nagdaang torneo nito ay wala siyang naipanalo kabilang ang upset na pagkatalo nito kay unseeded Russian Tatiana Prozorova sa Roudn of 16 ng Singapore Open.
Ang Wuhan Open na pinakahuling WTA 1000 event ngayon season na sinalihan ni Eala matpos ang pagbabalik nito sa torneo.
Magugunitang hindi na lumahok si Eala sa China Open matapos na irepresenta ang bansa sa katatapos na Asian Games.
Matapos ang Ningho, ang World number 19 ay sasabak pa sa Toray Pan Pacific Open sa Tokyo, Japan na isang WTA 500 event na gaganapin mula Oktubre 26 hanggagn Nobyembre 1.
Pagtapos noon ay magtutungo siya sa Hong Kong para sa WTA 250 tournament mula Nobyembre 2 hanggang 8 na siyang panghuling torneo niya ngayong 2026.













