-- Advertisements --

Nakatakda nang sumabak si Filipina pride and world no. 18 Alex Eala sa pambato ng China na si Han Shi para sa unang round ng Wuhan Open.

Magaganap ang unang kampanya ni Eala nitong Lunes ng tanghali, Oktubre 12, 12:40 PM, Filipino time, sa Dongfeng Voyah Center Court sa China.

Sisimulan ni Eala ang kanyang kampanya sa WTA1000 bilang 13th seed sa Section 4, kung saan maaari niyang makaharap muli si Leylah Fernandez at Jessica Pegula.

Balak namang makabawi ni Eala laban kay Shi matapos nitong bigong makamit ang ginto sa pambato ng Chine na si Wang Xiyu nitong nagdaang Asian Games sa Japan.