-- Advertisements --
Inamin ni US President Donald Trump na kaniyang pini-pressure ang Ukraine para tigilan na ang pag-atake nito sa Russia.
Sinabi ni Trump na kapag tinamaan ng Ukraine ang mga refineries ng Russia ay apektado dito ang mga American consumers.
Kinondina naman ng Ukraine ang pananahimik ng US sa ginagawang pag-atake ng Russia sa mga negosyong pag-aari ng US sa Ukraine.
Magugunitang nakipagkasundo si Trump kay Russian President Vladimir Putin para maglabas ng ilang daang libong tonelada ng langis.















