-- Advertisements --
Naniniwala si US President Donald Trump na hindi tumutulong ng China at Russia sa Iran.
Sinabi nito na maraming mawawala sa dalawang bansa kapag tinulungan nila ang Iran dahil sa pinaigting ng US ang paglaban sa kanila.
Reaksyon ito ni Trump sa ulat na tinutulungan ng China at Russia ang Iran para giyerahin ang mga sundalo ng US.
Giit pa ng US President na agad nilang malalaman kung talagang tumutulong ang Russia at China sa Iran.
Magugunitang maraming bansa sa Europa ang naniniwala na tinutulungan ng China at Russia ang Iran para mapalakas ang kanilang puwersa.















