-- Advertisements --

Patay ang apat na katao matapos ang naganap na pamamaril sa isang paaralan sa Bend,Oregon.

Kabilang sa mga nasawi ang tatlong bata at isang nasa hustong edad.

Dahil sa insidente ay isinara ng mga otoridad ang Silver Rail Elementary School.

Natagpuang patay na ng mga rumespondeng pulis ang suspek pagdating nila sa lugar.

Ayon kay Sheila Miller , tagapagsalita ng Bend Police Department ,na hindi pa nila tiyak kung sino ang nakapatay sa nasabing suspek.

Dinala naman sa pagamutan ang dalawang biktima matapos na masugatan sa insidente.