-- Advertisements --

Binawi na ni US President Donald Trump ang kaniyang utos na pag-livestream sa gaganaping firing squad execution.

Una ng sinabi ng Pentagon na nagpasya ang US President na i-live stream ang pagpaslang sa suspek ng Fort Hood na si Nidal Hasan.

Ayon kay Trump na sa una ay nais nitong ipakita na sersyoso ang US sa paglaban sa mga terorista.

Subalit dahil sa pakiusap ng ilan ay minabuti niya na huwag ng i-livestream ang nasabing execution.

Tanging ang mga malapit na kaanak at pamilya ni Hasan lamang ang makakapanood ng execution.

Si Hasan ay hinatulan ng parusang kamatayan matapos ang pagpaslang sa 13 katao at ikinasugat ng maraming iba pa noong 2009.