Ipinakita ng Bureau of Fire Protection sa palace press briefing ang aktuwal na nangyaring sunog sa MV June aster sa pamamagitan ng Artificial intelligence re-enactment.
Matatandaang nasunog ang barko noong September 9, 2026, malapit sa Coron, Palawan na ikinasawi ng 77 pasahero.
Sa naging paliwanag, maaaring nagdulot ng pagliyab ang paghahalo-halo ng aspalto at chlorine na kargamento ng barko na nakapwesto sa exhaust ng mismong makina.
Ang usok mula sa sunog ang maaari ding naging sanhi ng suffocation ng mga biktima bago pa sila nagkaroon ng pagkakataong makaligtas mula sa nasusunog na barko.
Sa huling tala naman ng Philippine Coast Guard, 66 sa 77 na nasawi ang nalaman na ang pagkakakilanlan, habang 11 ang patuloy pa ring sumasailalim sa identification process.
















