-- Advertisements --

Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operator at driver ng mga pampublikong sasakyan na tiyaking nasusunod ang karapatan ng persons with disabilities (PWDs), lalo na sa inaasahang pagdami ng mga biyahero ngayong Undas.

Kabilang dito ang pagtiyak sa accessibility ng mga sasakyan at pagbibigay ng 20% discount sa pamasahe para sa mga PWD.

Ayon sa LTFRB, maaaring umabot sa Php 50,000 ang multa sa mga lalabag sa accessibility requirements, habang posibleng kanselahin ang prangkisa ng mga paulit-ulit na lalabag.