-- Advertisements --
Tumungtong na sa super typhoon category ang binabantayang bagyo na may international name na ‘Choi-wan,’ batay sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA nitong Linggo ng gabi, Oktubre 4.
Huling namataan ang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), 2,600 kilometro sa silangan ng extreme northern Luzon at tumutungong hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 10 km/h.
Hindi rin ito inaasahang mag-landfall sa bansa.
Bagama’t nasa labas man ito ng PAR, magdadala pa rin ito ng mga pag-ulan sa kapuluan ng Visayas at Mindanao bunsod ng trough o ang extension ng nasabing bagyo, ayon sa state weather bureau.
Nananatili namang nakabantay ang DOST-PAGASA sa nasabing bagyo.















