-- Advertisements --

Nagsimula na ang 6th joint humanitarian, disaster relief drills ng Japan at Pilipinas sa mga pangunahing base miltar at civilian airports sa Luzon at Visayas.

Nagsagawa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Japan Self-Defense Forces (JSDF) ng “Doshin-Bayanihan 6-26” exercise mula Oktubre 4 hanggang 9.

Ayon sa Japan Air Self-Defense Force na ang pagsasanay ay isinagawa sa Mactan-Benito Ebuean Air Base sa Cebu, Daniel Z. Romualdez Airport sa Leyte, at Puerto Princesa International Airport sa Palawan na malapit sa West Philippine Sea.

Mayroong KC-130H military aircraft ang Air Self-Defense Force ng Japan at 40 na mga personnel mula sa kanilang Air Support Command habang ang Philippine Air Force (PAF) ay isasabak ang C-130H at mga sundalo ng bansa para sa war games.

Kasama sa pagsasanay ang airdropo, load/offload training, takoff at landing gamit ang night vision goggles.

Magkakaroon din ng pagsasanay sa mass casualty training at aeromedical evacuation training.

Sa kasagsagan ng exercise ay magsusuplay ng fuel ang PAF sa mga eroplano ng Air Self-Defense Force ng Japan.

Nagsimula ang Doshin-Bayanihan noong Hulyo 2021 sa Clark Air Base sa Pampanga kung saan ang ibig sabihin ng Doshin ay parehas na pag-iisip.