Naaresto ng mga otoridad ng Mexico ang tinagurian nilang drug lord na si Fausto Isidro “Chapo Isidro” Meza Flores.
Kasama si Meza Flores sa Top 10 most wanted list ng FBI.
Pinangunahan ng Mexican special forces ang pag-aresto kay Meza Flores sa Guasave, Sinaloa.
May kaso ito sa Mexico ng organized crime kung saan siya rin umano ang nasa likod ng pag-angkat ng mga fentanyl, cocaine , heroin at ilang mga iligal na droga.
Mula kasi ng maupo muli si US President Donald Trump ay kaniyang na-pressure ang Mexico para labanan ang iligal na droga.
Si Meza Flores ay siyang lider ng Meza Flores Organization o kilala din bilang Guasave Cartel.
Naging aktibo ang grupo sa pagpapakalat ng iligal na droga mula pa noong 1990 at matagal din siyang nagtago sa mga otoridad.
Sa tulong na rin ng US intelligence ay natunton nila ang kinaroroonan ni Meza Flores.
Nagkaroon pa ng palitan ng putok matapos na nanlaban ang grupo ni Meza Flores sa mga otoridad bago ito tuluyang maaresto.
Kasamang naaresto ang isa nitong tauhanat sila ay agad na dinala sa Mexico City.
Taong 2025 ng isama siya sa listahan ng FBI bilang most-wanted dahil sa mga karumal-dumal na krimen na kinakaharap nito gaya ng kidnapping, extortion at torture.
Siya kasi ang itinuturong nasa likod ng pagpuslit ng nasa 20 milyon na fentanyl pills na nakumpiska ng mga otoridad noong 2024.
Una na siyang kinasuhan ng drug trafficking sa US noong 2012 at 2019.
Naging kasabwat ng 44-anyos na si Meza Flores ang mga gumagawa at nagpapakalat ng mga cocaine, heroin, methamphetamine at marijuana mula 2005 hanggang 2019.
Bago bumuo ng sariling grupo ay naging miyembro siya ng Beltrán Leyva Organization kung saan tumiwalag din siya dahil sa naganap na pactions sa grupo.













