-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 7.6 na lindol ang bansang Panama.

Ayon sa US Geological Survey, naitala ang epicenter ng lindol sa may Pitaloza Arriba ng Central American country.

Naramdaman ang pagyanig sa may Panama City kung saan maraming mga residente ang pinalikas.

Naglabas naman ng pagbabala ang US Tsunami Warning System na maaring magkaroon ng tsuami sa mga bahagi ng Colombia, Costa Rica, Ecuador, Peru, Nicaragua, Guatemala, El Salvador at Mexico.