Nagwagi ang Puerto Rico sa ika-75 edisyon ng Miss Universe na ginanap sa Puerto Rico noong Martes, Nobyembre 24 (Miyerkoles, Nobyembre 25 sa Pilipinas).
Kinoronahan ni Fatima Bosch ng Mexico si Jennifer Barreto bilang kahalili matapos mangibabaw sa mahigit 100 delegado sa pageant.
Narito ang mga runner-up sa naturang patimpalak:
First runner-up: Melissa Núñez (Dominican Republic)
Second runner-up: Clara Vegas (Venezuela)
Third runner-up: Bea Millan-Windorski (Pilipinas)
Fourth runner-up: Georgia Waddington (New Zealand)
Si Barreto ang kauna-unahang nagsusuot ng korona para sa ika-75 anibersaryo ng Miss Universe na ginawa ng jewelry designer na si George Wittels katuwang ang Parisian jewelry house na Maison d’OR. Gawa ito sa 18-karat white gold at pinalamutian ng 3,150 brilliant-cut diamonds.
Ayon sa Miss Universe Organization, ang bagong disenyo ay nagbibigay-pugay sa mga kababaihang humubog sa kasaysayan ng Miss Universe habang ipinapakita ang pagbabago ng patimpalak sa nakalipas na pitumpu’t limang taon.
Target sana ni Bea Millan-Windorski ng Pilipinas na masungkit ang ikalimang korona ng bansa sa Miss Universe kasunod nina Catriona Gray (2018), Pia Wurtzbach (2015), Margie Moran (1973), at Gloria Diaz (1969).
Madalas ituring na isa sa mga pangunahing paborito sa Miss Universe ngayong taon, hinangaan ng mga tagahanga sa buong mundo ang Filipino-American beauty queen dahil sa kanyang high-fashion looks na nagpapakita rin ng kultura ng bansa.
Dala rin niya ang kanyang karanasan bilang Miss Earth Water 2024 at ang kanyang mga adbokasiya para sa pangangalaga sa kalikasan at karapatan ng mga migranteng manggagawa.
Bago ang pagkorona, inanunsyo rin na gaganapin ang Miss Universe 2027 sa Costa Rica.
Top 5
Philippines
New Zealand
Venezuela
Dominican Republic
Puerto Rico
Top 12
Chile
Dominican Republic
USA
New Zealand
Cuba
Puerto Rico
Philippines
Colombia
Nicaragua
Venezuela
Democratic Republic of the Congo
France
Top 30
New Zealand
Chile
Brazil
India
Netherlands
Turks & Caicos
Peru
Cuba
Serbia
Dominican Republic
Curacao
USA
Israel
Ecuador
Puerto Rico
Tanzania
Mexico
Guinea
Colombia
Ukraine
Panama
Costa Rica
Uganda
Philippines
France
Ethiopia
Belgium
Venezuela
Democratic Republic of the Congo
Nicaragua
















