-- Advertisements --
Balak ni retired Pinoy boxing champion Manny Pacquiao na makaharap sa exhibition fight si Shakur Stevenson ng US.
Ayon sa kampo ng boxing champ na target nilang maisakatuparan ang laban sa katapusan ng taon.
Ang pagpili ni Pacquiao sa 29-anyos na boksingero ay kasunod ng hindi na matutuloy ang rematch nito kay Floyd Mayweather.
Si Stevenson ay mayroong 25 panalo at walang talo na may 11 knockouts kung saan kabilang ito sa top five pound-for-pound boxer.
Nakamit nito ang WBO junior welterweight title matapos na talunin si Teofimo Lopez sa New York.
Naging silver medalist din si Stevenson sa nagdaang 2016 Rio Olympics.
Habang si Pacquiao ay mayroong 62 panalo, walong talo at tatlong draw na may 39 knockouts.
















