-- Advertisements --

Maraming mga Pinoy fans ang sabik ng makita muli ang paglalaro ni tennis star Alex Eala.

Ngayong araw kasi ay magsisimula ang US Open singles game ni Eala laban kay Mary Stoiana ng US.

Gaganapin ang paghaharap ng world number 18 na si Eala at World Number 122 na si Stoiana sa Louis Armstrong Stadium sa New York ng alas-8:40 ng umaga oras sa Pilipinas.

Una ng tinalo ni Eala si Stoiana sa kanilang unang paghaharap noong 2024 ITF 1000 Koser Jewelers Tennis Challenged round of 16 sa Pennsylvania.

Huling lumaban si Eala sa singles match sa Cincinnati Open kung saan nabigo ito kay Amanda Anisimova sa ikatlong round.

Nakatambal na rin ni Eala si Felix Auger-Aliassime sa US Open doubles kung saan maaga silang natalo ganun din naglaro din ang 21-anyos na si Eala sa “Stars of the Open” exhibition laban kay world number 14 na si Iva Jovic.