-- Advertisements --

Dumanas ng 50-point loss ang defending champion na New York Knicks sa kamay ng Toronto Raptors sa preseason matchup ng dalawa ngayong araw (Oct. 14), 148-98.

Hindi nagsayang ng oras ang Raptors at agad nagbuhos ng 42 points sa unang quarter habang 22 puntos lamang ang nagawang isagot ng defending champion.

Naulit pa ito sa 2nd quarter matapos magbuhos ng 44 points ang Toronto at tanging 25 points lamang ang nagawa ng 2026 champion, kaya’t sa pagtatapos ng 1st half, hawak na ng Toronto ang komportableng 29 points.

Hindi nakasabay ang Knicks sa 57.3% na overall shooting ng Toronto dahil nalimitahan lamang ito sa 39.5%.

Maging sa defense ay namayani rin ang impresibong performance ng 2019 NBA champion matapos itong kumamada ng 52 rebounds, at 12 steals.

Naging malaking hamon sa Knicks ang 17 turnover sa kabuuan ng laban na labis ding sinamantala ng Raptors.

Sa mga naturang turnover, gumawa ang Toronto ng 19 points, hanggang sa umabot pa sa 53 points ang largest lead ng winning team.