-- Advertisements --

Naibenta sa isang auction sa halagang $15-milyon ang kakaibang kopya ng 1938 comic.

Ang Action Comics No. 1 copy ay siyang nagpakilala kay Superman sa buong mundo.

Ito ay minsan ng ninakaw mula sa actor na si Nicolas Cage at naibalik sa kaniiya matapos ang ilang dekada.

Nabili kasi ng aktor ang comic noong 1996 sa halagang $150,000 kung saan matapos na maibalik sa actor ay ibinenta nito sa auction sa halagang $2.2-M.

Nahigitan nito ang comic book na unang naibenta noong Nobyembre na Superman No.1 sa halagang $9.12 milyon.

Hindi naman na nagpakilala ang bumili nito kung saan ang nasabing comic ay graded nine out of 10 ng Certified Guaranty Company.