-- Advertisements --

Nahaharap sa panibagong imbestigasyon ang R&B singer na si R. Kelly.

Ito ay dahil sa pagkakaroon niya ng phone number ng retiradong warden sa kaniyang federal lockup sa North Carolina.

Ayon sa abogado nito na si Beau Brindley, nagsimula ang problema noong nasangkot ito sa mentor program na tumutulong para sa paggabay sa ilang mga inmates.

Nakabantay noon umano ang warden kung saan bago ito umalis ay iniwan niya ang cellphone number na maaring tawagan sakaling may ilang inmates na nais huminging mga payo.

Subalit nahulihan ang kapwa nitong inmates na may cellphone na ipinagbabawal sa kulungan.

Sa ginawang paghalughog ng mga otoridad ay nakita nila ang notebook ng singer at doon nakasulat ang numero ng retiradong warden.

Dahil sa insidente ay inilagay si Kelly sa Special Housing Unit habang ito ay iniimbestigahan ng mga otoridad.

Magugunitang noong 2021 ay na-convict si Kelly sa New York sa mga kasong racketeering, bribery, illegal sex sa mga menor de edad at ilang mga federal offenses at nahatulan ng 30 taon na pagkakakulong.