-- Advertisements --

Dinipensahan ni lead defense lawyer Nicholas Kaufman si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga nasawi sa kasagsagan ng “armed confrontations” sa kampaniya kontra iligal na droga.

Ikinatuwiran ng defense counsel na isinagawa ng police force ang naturang hakbang bilang tugon sa nakaambang panganib sa kanilang buhay alinsunod sa rules of engagement na makailang beses aniyang sinabi ng dating pangulo.

Ayon kay Kaufman, mayroong existing contemporaneous documents gaya ng arrest warrants, operational records at narekober na mga baril na nagpapakitang lehitimo ang mga operasyon ng kapulisan na humantong sa palitan ng mga putok ng baril.

“The general record does not substantiate a theory of wanting execution, yet prosecution seeks to rely once again on the testimony of criminals,”giit ni Kaufman.

Aniya, ang narekober na baril sa pinangyarihan ng krimen ay nagpapakita na ginamit ang naturang weapon laban sa pulis na nagresulta sa paggamit ng pwersa.

Gayundin, awtorisado aniya ang mga operasyon ng mga inisyung search warrant mula sa korte.

“Those circumstances are squarely within operational legality and fundamentally incompatible with the pre-planned murder,” saad ni Kaufman.

Binanggit din ni Kaufman ang apat na indibidwal na inaresto ng buhay, na nagpapakita ng hindi paggamit ng “indiscriminate force.”

Tinukoy din ni Kaufman ang insidente kung saan mayrong gunpowder residue na nadetect sa kamay ng biktima na tugma sa forensic findings na nagkaroon ng palitan ng putok at taliwas sa “straightforward execution” narrative.

Giit ni Kaufman na hindi mapatunayan ng Prosekusyon na “planted” ang mga droga at baril sa mga biktima kayat itinatanggi nila ang mga ebidensiya mula sa crime scene kasabay ng pagkatuwirang walang sapat na ebidensiya.

Pinalagan din ni Kaufman ang pagdepende ng Prosekusyon sa “narrow” at uncorroborated” insider testimony, na nagsasabing ang narekober na baril ay planted sa scene of the crime at fabricated o gawa-gawa lamang ang official report.

Subalit, ayon kay Kaufman, base sa isang testigo, inamin niyang hindi niya nasaksihan ang pagtatanim ng baril.

Binanggit din ni Kaufman ang insidente na direktang naguugnay sa dating pangulo base sa isang voice recognition ng isang indibidwal na napakinggan umano ang phone conversation at nakilala ang boses ng dating Pangulo.

“Voice recognition in uncontrolled conditions while physically moved and uncorroborated by any forensic or documentary evidence cannot constitute substantial ground for confirmation,” ayon sa defense counsel.