-- Advertisements --

Unang inilatag ng lead defense counsel na si Atty. Nicholas Kaufman ang mga argumento ng depensa kaugnay sa alegasyong pagpatay sa umano’y high value targets (HVT) noong Pangulo ng Pilipinas si former President Rodrigo Duterte sa huling araw ng confirmation of charges hearing ngayong Biyernes, Pebrero 27, 2026.

Sa submissions ng depensa sa merito ng kaso, inilahad din ni Kaufman ang preliminary observations ng depensa sa paglalarawan ng Prosekusyon sa HVT bilang ebidensiya ng coordinated plan para ma-eliminate ang target.

“The existence of a prioritization category within a law enforcement campaign does not establish a criminal plan,” paliwanag ng defense counsel.

Aniya, ang HVT ay isang operational classification na ginagamit ng law enforcement, na walang pinagkaiba sa ginagamit ng ibang bansa gaya ng Australian Priority Organization targets.

Nilinaw ni Kaufman na ang HVT ay hindi isang direktiba para pumatay o witchhunt, kundi isang “prioritization tool” para sa anti-illegal drug operations sa mga rehiyon na nakabatay sa intelligence assessments sa drug networks o kabilang sa watchlist.

“Classification does not implies selection from murder, and more it is a proof of a lawful intent,”

Binanggit din ni Kaufman na kinikilala ng Prosekusyon ang pag-iral ng mga nagdaang operation frameworks kabilang ang police circulars at structured campaigns.

Ayon kay Kaufman, marami sa HVT operations ay nagresulta sa pag-aresto o pagsuko ng mga indibidwal at ang iba ay humantong sa “fatal encounters.”

Kaugnay nito, binigyang diin ni Kaufman na dapat siyasatin ang bawat insidente ng pagpatay sa high value targets base sa ebidensiya.